.HOLLABACKBOI.

Don't forget about US.

Thursday, July 06, 2006

Nakatayo pa rin...

Since 2nd term of school year 2005-2006 which is October 2005 to be exact, dumating ang bagyo sa buhay ko. Madami ang nagalit at nanghinayang sa akin dahil sa mga mabababaw na bagay. Lahat ng iyon tiniis ko. Ang mga pangungutya, paninira at iba pa. Hindi ako nagpaapekto masyado sa mga ginagawa sa akin dahil alam ko na balang araw babalik din sa kanila ang mga iyon.
Hala sige, tambay dito tambay doon. Hindi ako nawalan ng pag-asa dahil alam ko na madami pa rin akong mga kaibigan na laging nandoon para sa akin. Maraming salamat sa mga UM peeps especially to my best girlfriends namely Carla and Micah.
Alam kong masakit kasi mga kaibigan ko ang nakaaway ko pero sa bandang huli natuto rin ako na nangyari lahat ng iyon dahil may dahilan.

Sa ngayon, unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat. Nasasapawan na ang mga issue ko. At nagsisimula nang umikot ang gulong ng palad. Bumabalik na sa kanila ang kanilang mga "good deeds".
Masaya ako dahil dito. Sobrang saya kasi mas lalo pang dumami ang mga tunay kong kaibigan at yun pang hindi ko akalain na magiging kaibigan ko.
Well, we really can't tell...

Wala na akong pakialam kung hindi magbabago ang tingin ng iba sa akin.
THE HELL I CARE. Tawa lang ako. Mapikon na sila, libre yun, walang gastos...ang labo.
Basta masaya ako ngayon...Wala nang makapipigil pa.
Maimbyerna na kung sino ang maimbyerna basta ako patuloy akong rarampa at pagandahin ang makulay kong buhay. yucckk drama.
Mabait talaga ang Diyos sa mga taong inaapi.

Ito lang ang masasabi ko, despite of all the issues before...I STOOD STILL!
Andito pa rin ako at hindi ako nagpatalo. Sa bagay, bakit ako magpapatalo? Sila ba ang nagpapalamon sa akin? Kung tutuusin, madami akong pwedeng ipagmalaki sa kanila. Sorry nalang hindi niyo ako kilala. hahahaha. Anyway, ganun talaga ang ibang tao, may insecure, inggit at kulang sa gatas.

YAN SI VIN!!! I mean VINCE!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home