.HOLLABACKBOI.

Don't forget about US.

Monday, April 10, 2006

No Regrets!!!

Sobrang saya ko ngayon!
Sa wakas, tinapos ko na lahat. Hindi ako nagsisisi sa desisyon kong iyon.
Minsan talaga kailangan nating gamitin ang UTAK bago ang PUSO.

Mahal ko ang sarili ko at ayaw kong magmahal ng maling tao.
Hindi ako nababagay sa isang tao na hindi ko naman ka-level.
Masaya ako dahil may mga kaibigan akong nasa tabi ko at madami pa akong nakilalang mga tao na bagay sa akin.
Kumbaga, may “chemistry” talaga!
Dahil sa nangyari mas naging malakas at practikal na ako ngayon mag-isip. Kaya sa susunod alam ko na talaga ang gagawin ko.

Excusez moi??? Hindi ka kawalan. Madami ang naghahabol sa akin na mas okay pa sayo.
Kung alam ko lang, sana binitawan na kita noon pa man.
Sobrang dami kong sinayang na pagkakataon. Siguro mas naging masaya ako sa piling ng iba. Pero nagkamali na naman ako sa pagpili. Ang tanga ko talaga. Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko.

Tama nga ang mga kaibigan ko, dapat dati palang lumayo na ako sa iyo dahil magkaiba ang mundo natin. Huwag kang magmalaki dahil hindi ka ginto na dapat pag-agawan.

Ang dami kong sinayang na oras at pera para lang sa isang tulad mo na di naman karapat-dapat. Kahit papaano pinasaya mo ako pero ngayon lahat ng iyon ay nakabaon na sa hukay.

Sa ngayon, sobrang saya ko talaga. Dahil masarap ang makipagkilala at makipaglaro sa iba. Hindi ko na babalikan ang nakaraan dahil ayaw ko nang makaranas ng bangungot.

Sana hindi nalang kita nakilala…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home