Hindi ko na alam
I usually write blogs using English language but now I'll try writing in Filipino for a change.
"Hika, ang inabot ko, nang piliting sumabay sa iyo hanggang kanto nang isipan mong parang sweepstakes, ANG HIRAP MANALO."
2:30am na ng madaling araw. Kakauwi ko lang galing sa birthday ng inaanak ko at hindi pa rin ako makatulog. Marahil medyo amats pa ako. Tapos, pupunta pa kami ng Pagsanjan bukas kaya goodluck talaga sa akin.

Lagi kong itinatanong sa aking sarili kung bakit kailangang dumaan sa ganon.
Pag mahal mo ang isang tao, lagi nalang napupunta sa wala.
Ganyan ba ang laging nangyayari? Bakit? Bakit ganon? Ayaw ko na...
Kayang kong ibigay ang lahat para sa taong mahal ko.
Pero sana maunawaan din niya dapat ako. Kumbaga, give and take.
Pero naisip ko na siguro dapat siya nalang ang laging masunod at magtitiis nalang ako para
lahat ay maging maayos. Wala namang mawawala sa akin kung maging sunod-sunuran nalang ako diba? Basta makasama ko lang ang taong mahal ko.
Ngayon lang ako nagkaganito, aaminin ko may mga humahabol sa akin pero hindi ko na sila pinapansin dahil nakita ko na ang taong para sa akin at sobrang mahal ko.
Kahit anong mangyari, mag-away man tayo, sa iyo pa rin ako at hindi magbabago yun.
Kung ano man ang nagawa ko sana patawarin mo ako dahil tao lang din naman ako.
Kung hindi na kayang ibalik ang dati, okay lang at least alam ko na ang dapat kong gawin.
Saka ako lang naman ito. Wala akong kwentang tao.
Isinulat ko itong journal para ilabas ang nararamdaman ko at para matamaan kung sino man dapat na tamaan. hehe.
Nandito lang ako...


0 Comments:
Post a Comment
<< Home