.HOLLABACKBOI.

Don't forget about US.

Sunday, December 18, 2005

Ngayong Pasko

Isang taon na naman ang dadaan.
Matatapos na ang taong ito.
Sobrang daming nangyari sa taong ito.
May masaya, masakit, mahapdi, masarap, matamis, at iba pang MA

Malay ko bang may mangyayaring ganito, ganyan.
Ganun lang talaga siguro ang buhay ng tao.

Sa kabila ng lahat, natuto akong magpatawad at magpakumbaba.
Kahit na ito'y labag sa aking kalooban, ginawa ko iyon para lang mapasaya and matahimik na ang ibang tao.
Natuto akong magpatawad dahil naniniwala ako na lahat ng tao ay dapat matutong magpatawad. Bakit?
Dahil kung ang Diyos marunong magpatawad, paano pa kaya tayong mga nilikha niya?
Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung hindi ko papatawarin ang nagkasala o may atraso sa akin diba?

Saka ang tao nagkakamali, walang perpekto.
Lahat tayo'y may sakit.
Sakit na---
  • gumawa ng kasalanan o pagkakamali.
  • magmahal
  • mangtukso
  • maghabol
  • umasa
  • manlait
  • manghusga
  • magsinungaling
  • manloko
  • magpakabaliw
  • magsaya
  • magpakasarap... at madami pang iba

Madami akong nakilalang tao. At natutuwa ako't nakilala ko sila.
May mabait, masama, masarap kasama, magaling sa lahat, manggagamit, mapagmahal, mapusok, malandi, maarte, mapangarap, at madami pang iba.
Lahat sila'y aking inintindi. Dahil tao din naman ako. At nirerespeto ko sila.

Ngunit sa kabila ng lahat ng suliranin sa buhay.
Sana lang, ngayong pasko, tayo'y magpakumbaba at maisip na panahon na ng pagpapatawad at paglimot sa nakaraan.
Masarap ang pasko kung lahat tayo'y walang galit at pait sa ating mga puso.
Dapat nating ipagdiwang ng mapayapa ang pasko sapagkat ito ang kapanganakan ni Kristo.
Sana matapos na ang lahat ng problema at magkaroon ng solusyon.
Kaya yan...Basta wag lang tayo magpadal sa nakamamatay na "PRIDE" ...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home